Privacy

Dito mo makikita kung ano ang kinokolekta namin kapag nag-send ka ng form sa site na ito, at ano ang ginagawa namin dito.

Ano ang kinokolekta

  • Ang pangalan at email mo.
  • Kung nag-order ka sa course: ang reference no. at ang screenshot ng resibo mo.
  • Kung itinick mo ang updates box: itatala namin na pumayag ka.

Bakit

Para i-send ang hiniling mo (ang free PDF, o ang private link ng course), at para i-check ang bayad mo. Kung itinick mo ang updates box, para padalhan ka ng course updates at offers.

Saan naka-save

Sa Cloudflare: ang hosting ng site, ang listahan ng mga nag-send, at ang private storage ng mga resibo. Cloudflare Turnstile din ang bot check sa mga form. Si Engr. Zars lang ang may access sa listahan at sa mga resibo.

Kapag nagpapadala na kami ng email mula sa site, Resend ang gagamitin para dito.

Ang fonts ng site ay galing sa Google Fonts, kaya makikita ng Google na binuksan mo ang page. Walang analytics at walang ads tracking sa site na ito.

Sa lessons page ng course, galing sa YouTube ang mga video at thumbnail, kaya makikita ng YouTube na binuksan mo ang page. Kapag pinindot mo ang video, YouTube na ang magpapatakbo nito.

Gaano katagal

Buburahin ang screenshot ng resibo 90 days matapos ma-decide ang order (ma-approve o ma-reject). Ang listahan (pangalan, email, reference no.) ay itatago hangga't hindi ka humihiling na tanggalin ito.

Kopya, pagbura, o bawiin ang updates

Para humingi ng kopya ng data mo, ipabura ito, o bawiin ang updates box, i-DM mo ako sa Instagram @zars.mcoy. Isama ang email na ginamit mo sa form.